Blind Item


SIKAT NA HUNK AKTOR, NI-LANGAW ANG MOVIE!
ni Chanchan Torres, X-Files

Nag-ta-taka lang ang ilang viewers kung bakit hindi kumita ang pelikula ng isang sikat pa man ding hunk actor, samantalang napakarami naman
niyang fans! Teka, hindi ba na-appreciate ng mga taga-suporta niya ang pelikulang ginawa niya at bakit nag-flop umano ito? Usap-usapan
kasing hindi kumita sa takilya ang pelikula ni Hunky Papa.

Komento pa ng isang ma-no-nood, sa dami na rin ng mga aktor ngayon sa showbiz na mas guwapo at magagaling din, eh, kahit paano, na-sapawan
na ang kasikatan niya. Well, hindi naman kami mag-ta-taka kung maging ganoon man ang kalabasan, at kung unti-unti mang ma-bawasan ang kinang
ng bituin ng tina-tawag na Hunky Papa ng bayan. Kunsabagay, ka-pansin-pansing walang PR ang aktor na ito at hindi rin siya masyadong
warm sa entertainment press. Maging sa fans, medyo ma-ilap ang aktor, hindi raw siya masyadong ma-chika. Oh well, siguro, dapat ay mag
isip na ang aktor kung paano niya mai-ba-balik ang charm niya.

Alalahanin sana ng aktor na ito na wala na siyang malakas na ka-loveteam, na minsan ay nag-dala sa kanya sa katanyagan. Usap-usapan din
na hindi marunong mag-share ng blessings lalo na sa entertainment press ang aktor na ito. Komento pa ng ilan, may pagka-kuripot ever daw
kasi ang aktor. Gano'n?

Sa totoo lang, tuwing nakakarinig kami ng mga ganitong kuwento ay hindi namin ma-iwasan na hindi mang-hinayang. Sana, magawan pa ng paraan
ng guwapong aktor ang pakiki-tungo niya sa ibang tao, dagdagan ang PR. Again, ang aktor na ito ay may palabas na pelikulang hindi kumita
ngayon. Bilog ang mundo. That's a fact.

No comments:

Post a Comment